Monday, April 26, 2010

HANDOG NA KAPILYA NG DIYOS








Matagal na panahon naming inasam na magkaroon ng sariling kapilya sa aming lugar ng North Hills Village, Tigbe Norzagaray. Simula nuong taong 2002 nang kami magsimulang magkaroon ng sariling Misa dito sa aming barrio ay nagmagandang loob ang isang kapatiran na ipagamit ang kanilang lote para gawin naming kapilya.

Sa pagkakataong ito ngaung taong ito ay ipinahintulot ng Mahal na Ingkong at ng Mahal na Ina ng Del Carmel na ito ay maging ganap na kapilya ng Apostolic Catholic Church at ipagkaloob ang lote sa amin ng may-ari.

Sa aming mahabang panahon na paghahantay na ito ay maging ganap, Sa pagdalaw ng Mahal na Birhen ng Bundok Carmelo ay naisakatuparan namin ang aming ninanais na ito ay maisaayos at maging kaaya-aya sa paningin ng bawat isa sa amin at sa mga sanlibutan.

Nawa sa biyaya ng Mahal na Ingkong at sa pamamagitan ng aming patrona Ina Poon Bato ay patuloy naming magampanan ang aming mga tungkulin bilang hinirang ng Mahal na Ingkong.

MARAMING SALAMAT SA MGA TUMULONG AT SUMUPORTA!!!


Pls. Fill-up the form below to send me e-mail.... Thank You!!!

Name:*
Email:*
Subject:*
Message:*
Verification No.:*
contact form faq verification image

Email forms generated by 123ContactForm