Noong ika-26 ng Setyember, 2009, ang bagyong si Ondoy ay nagdulot ng malakas na pagbuhos ng ulan sa Metro Manila at mga kalapit na bayan. Sa loob lamang ng ilang oras, nagbaha sa iba't ibang lugar at nagbunga ito sa pagkasawi at pagkawala ng tahanan at kabuhayan ng maraming Pilipino.
Sa aking karanasan habang ako ay bumibiyahe gamit ang aking Motorsiklo galing ng Hagonoy patungo ng aking tahanan sa Norzagaray, Bulacan ay akin ding naranasan ang lupit ng bagyong ondoy, ang lakas ng ulan at hangin na dulot nito. Nang ako ay makarating sa Balagtas ay dun ko naranasan ang hirap sapagkat nagsisimula nang tumaas ang tubig sa kalsada nito na nag-uugnay sa Balagtas at Bocaue. Sa pagkakataong ito ay talagang hindi na ito maraanan ng mga sasakyan sapagkat umabot na ito hanggang beywang kaya't nagpasya na lamang akong bumalik papuntang Baliwag upang duon na lamang magdaan patungo sa aming Bayan ng Norzagaray. Subalit ng ako'y makasapit sa Bayan ng Angat, Bulacan ay talaga naman akong nanlumo sapagkat nakita kong lagpas tao na ang tubig baha sa isang baranggay duon at wala na kahit anong sasakyan ang makaraan duon.
Tumawag ako sa kasama kong pari at nanghingi ng cellphone number ng mga Apo's na kanyang nasasakupan sa parteng Pulilan at Plaridel upang kahit papaano ako at makapagpahinga muna roon. Subalit wala akong nakontak sa mga iyon sapagkat ang ilan ay na-stranded na rin sa Manila at nagsimula nang magloko ang mga signal ng cellphone sa mga oras na iyon.
Mabuti na lamang ay naalala ko ang telepono ng aking dating kaklase na nakatira ngayon sa Baliwag at hindi ako nahirapang maki-usap at hanapin ang kanilang bahay.
Salamat sa Mahal na Ingkong sapagkat hindi Niya ako pinabayaan sa oras ng trahedyang ito at binigyan Niya ako ng masisilungan sa oras ng aking pangangailangan sa humigit kumulang 4 na oras akong bumibiyahe ay gutom, pagod at pagkabasa ang aking sinapit.
Kinabukasan ay naka-uwi na ako sa aming tahana at nakapagmisa ako sa lugar na aking pinagmimisyunan.
Mga kapatid, maraming pangyayari sa ating buhay na minsan malupit ngunit pagkukunan natin ng aral at kakikitaan natin ng magandang resulta lalo't higit sa pagkakaisa ng mga mamamayan. Napapanood natin ang ilang mga kababayan nating nagpakabayani sa oras ng kagipitan, ang ilan pa sa kanila ay nagbuwis pa ng kanilang buhay, marami rin sa ating mga kabababayan ang naglahad ng kanilang tulong pinansyal at tulong materyal upang madulutan ang marami nating mga kababayan na nakaranas ng trahedyang ito na tunay naman nating napapanood sa alin mang estasyon ng telebisyon at mapapakinggan sa alin mang estasyon din ng radyo.
Maraming grupo ang naglahad din ng kanilang tulong, kabilang na rito ang ating Inang Simbahang Apostolic Catholic Church sa pangunguna ng ating pinakamamahal na Patriarka Dr. + Juan Florentino L. Teruel, P.P.
Mayroon akong isang kaibigan at itinuring na rin nakatatandang kapatid na kasapi ng 3rd Order Community ng Order of the Missionaries of the Holy Spirit na nakabase sa Japan na walang iba kundi si 3rd Order Member Urdina, Rosita S. Asanuma, OMHS ang naglahad ng kanyang tulong kabilang na rito ang pagbibigay ng relief sa lugar na nasasakupan ni Bishop Domingo, Domingo Tondag, D.D., sa Cainta Rizal at sa nasasakupan ni Fr. Celso, Oliver R. Yosa, OMHS. sa Bocaue, Bulacan na ang inyong abang lingkod ang tumulong sa pagbabahagi at pamimili ng mga relief na aming ipinamigay sa lugar na nabanggit. Ito ay sinimulan namin sa pamamagitan ng Isang Misa Pasasalamat at Pagkatos ay pamamahagi ng kaunting tulong na kanilang mapapagsaluhan.
Sa trahedyang ito nakakitaan ang Pilipino ng tunay na pagkaka-isa at sa pagkakaisang ito ay nagkakaroon tayo ng tunay na lakas sa tulong at awa ng Mahal na Ingkong.
Reb. Padre. Nomer, Ferdimar C. Sumala, OMHS.