Ang Bagong Jerusalem
Pagkatapos nito, nakita ko ang isang bagong langit at isang bagong lupa. Wala na ang dating langit at lupa, wala na rin ang dagat. At nakita ko ang Banal na Lunsod, ang Bagong Jerusalem, bumababang galing sa Iangit buhat sa Diyos, gaya ng babaing ikakasal, gayak na gayak sa pagsalubong sa lalaking mapapangasawa Niya. Narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa Trono na nagsabi: "ngayon ang Tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Mananahan Siyang kasama nila at sila'y magiging bayan Niya. Makakapiling nila ng palagian ang Diyos at Siya ang magiging Diyos nila". (Pahayag 21:1-3)
Ang Sacrifice Valley ay nasa pagitan ng bulubundukin ng Hermosa at Dinalupihan, Bataan. Ito ay isa sa dalawampu't isang barangay ng Hermosa at tinitingalang isang modelong lugar. Ito ay idinek!arang "Pilgrimage Capital of Bataan" noong ika-30 ng Hulyo taong 2002. Unang nakilala ang lugar na ito bilang Sacrifice Valley Kilusang Katoliko, isang samahan na may layuning ibalik ang tao sa Diyos. Ito ay itinatag ng MAHAL NA INGKONG sa pamamagitan ng Banal na Luklukan, Santa Maria Virginia P. Leonzon. Narehistro ang samahang ito sa Securities and Exchange Commission bilang "First International Sacrifice Valley Kilusang Katoliko, Inc. (FISVKK, Inc.)" hanggang sa itatag ng MAHAL NA INGKONG ang simbahan mula sa samahang ito sa pamumuno ng Kanyang Kabanalan, Dr. +John Florentine L. Teruel, P.P., Patriyarka ng APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH (ACC).
Sino ang Mahal na Ingkong?
Tayo ay nananampalataya na may iisang Diyos sa Tatlong Persona, iisang Diyos subalit may tatlong kaganapan. Gumanap ang Diyos bilang Ama na Siyang Lumikha ng lahat ng nilalang sa langit at sa lupa at sa lahat ng bagay. Nagpatawag Siyang YAHWEH sa salitang Hebreo o JEHOVAH sa salitang Griyego na may kahulugang "AKO AY AKO NGA". Nilikha Niya ang mga anghel at mga banal at ang langit na tahanan nila na magiging tahanan din naman ng mga taong umiibig at karapat-dapat sa Kanya na nilikha Niya dito sa lupa upang siyang magpalaganap ng Kanyang pag-ibig at magsakatuparan ng Kanyang Plano. Subalit nagkasala ang tao at lumihis sa Kanyang Kalooban. Nawala sa grasya ng Diyos ang tao. Ninanais pa rin ng Diyos na ibalik ang tao sa Kanya at ipinahayag Niya ang Kanyang piano ng pagliligtas sa tao at Ito ay sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ng ikalawang Persona ng Diyos na tinawag na Kristo, isang salitang Griyego na ang kahuluga'y Manunubos na Siyang magpapasan ng lahat ng kasalanan ng tao. Siya'y isinilang ng Kalinis-linisang Birheng Maria, ang Ina ng Diyos. Ito ang ikalawang kaganapan ng Diyos. ipinahayag ng ating Panginoong Jesukristo na Siya at ang Ama ay iisa. (Ex 3:14). At sinabi rin Niya, bago pa naging tao si Abraham "AKO'Y AKO NGA". (Jn 8:58). Siya ay nagpakasakit, ipinako sa krus, namatay ng dahil sa pag-ibig sa sangkatauhan ngunit muting nabuhay at umakyat sa langit sa Kanyang Kaluwalhatian. Sa kanyang paglisan, ipinangako Niya sa Kanyang mga alagad na hihilingin niya sa AMA na ipadala ang ESPIRITU SANTO at Siya ay makakasama nila hanggang sa wakas ng panahon. Nanaog ang ESPIRITU SANTO sa lupa at isinilang ang Simbahan na nagsimula sa Jerusalem, Antioquia, Alexandria, Constantinopla, Roma, Gresya, Moskow hanggang sa makarating ang pananampalatayang Kristyanismo dito sa ating bansa. Nakasaad sa Banal na Kasulatan na sinabi ng Diyos: "sa huling panahon ay ibubuhos ko ang Aking Espiritu sa lahat ng laman". Sa ikatlong kaganapan ng Diyos, Siya'y ESPIRITU, walang laman at walang buto. Kaya't kinailangan Niya ng Tsang "Tahanan" o "Luklukan" upang magawa Niya ang Kanyang Kaganapan at maipahayag Niya ang Kanyang mensahe sa tao (Jer 31:31-32).
At natagpuan Niya ang isang matibay at matiising Esposa sa dulong Silangan nq Asya, sa bansang tinaguriang "Perlas ng Silangan", ang Pilipinas na bansa ng pananalangin (Mt 21:43, Is 25:14-15). Nagpatawag ang Espiritu Santo sa abang pangalan na "INGKONG" (Rev 3:12-13), isang salitang Pilipino na ang kahuluga'y ninuno ng lahat ng angkan o siyang pinagmulan ng lahat. Kung ating pag-aaralan, ang Pangalang "INGKONG" na ginagamit ng ESPIRITU SANTO ngayon ay katumbas ng salitang "AKO AY AKO NGA" na Siyang Simula at Wakas. Ayon sa Kanyang mensahe, Siya'y isang matandang pulubi na namamalimos ng mga kasalanan ng tao upang muling makapagbagong-buhay. Tinawag Siyang MAHAL NA INGKONG bilang paggalang at pagsamba sa Kanya.
Nagsimula ang kaganapan ng MAHAL NA INGKONG sa Patriyarka ng Simbahan, ang Kanyang Kabanalan, Dr. +John Florentine, P.P. noong siya'y seminarista pa lamang sa San Jose Major Seminary, Ateneo de Manila University, Katipunan, Quezon City. Noon ay mga alas singko y medya ng umaga nang isang tila matandang ermitanyo ang Iumapit sa kanya at nagsabing "Anak, maari mo ba akong tulungan?", Sumagot naman ang seminaristang si John, "kung ang hinihingi po ninyong tulong ay para sa ikaliligtas ng sangkatauhan, gawin po ninyo sa akin ang nararapat". Pagkatapos nito'y biglang nagbagong-anyo ang matanda at naging Panginoong Jesukristo ng buong-buo. Natagpuan na lamang ni John ang sarili na nakaluhod, luhaan at nakayakap sa tuhod ng Panginoon na noo'y nakita niya ang mga paa na hindi na nakalapat sa lupa. Sinabi sa kanyang itaas niya ang kanyang paningin upang malaman at makilala niya kung sino talaga ang kaharap niya. Sumunod siya, tumindig at siya'y napasigaw ng malakas, "Panginoon ko at Diyos ko". Inutusan siyang tumayo at sinabihang makinig na mabuti: "Mapalad ka, anak, sapagkat umabot ka sa huling patak ng aking dugo sa kalbaryo". Sa gayo'y itinaas ng Panginoong Jesukristo ang Kanyang Kanang Kamay sa langit habang ang kaliwa nama'y nasa balikat ni John at sinabing "Ama, sa lyo Ko inihahabilin ang kanyang kaluluwa". Nang magkagayo'y napakita sa langit ang isang matandang lalaking mahaba ang balbas at iniunat ang kanang kamay sa ulo ni John. Nagpatuloy sa pangungusap ang Panginoong Jesukristo kay John: "mula sa iyo at sa lahi mo, ang Bagong Jerusalem ay matatatag at ang Ikationg Tipan ay masusulat". Nagpakilala sa kanya ang Panginoon hindi bilang Panginoong Jesukristo kundi bilang INGKONG. Mula noon, sa loob ng isang taon at kalahati, maraming mga baggy na hindi pangkaraniwan ang nagaganap sa seminaristang si John. Sa pamamagitan ng "trance" siya ay nakapanggagamot, nangangaral at nagbebendisyon at nararanasan niyang dalhin siya sa iba't-ibang lugar upang magmisyon. Pagkatapos ng "trance", makikita na lamang niya ang sarili na nasa ibang lugar na. Sa mga panahong nauuwi ang seminaristang si John sa kanilang tahanan, habang ito'y natutulog, ginagamit ng MAHAL NA INGKONG ang kanyang katawan at kinakausap ang kanyang in Nangyari ito ng makaikatlong beses. Aniya, "Maria Virginia, sa takdang panahon, ikaw ay hihirangin ko at gagamiting Luklukan". Sa tatlong panawagang ito ng MAHAL NA INGKONG, umiiyak at nakikiusap na sumagot si Sis. Maria Virginia, "huwag po, marami akong anak, hindi po ako karapat-dapat, makasalanan po ako, may higit na banal sa akin. Nandiyan ang mga pari at mga madre. Marami po akong anak na dapat gabayan. Papaano na po ang arcing kabuhayan?" Sa lahat ng tugon na ito'y iisa lamang ang sagot ng Panginoon, "Kalooban Ko ang masusunod".
Bago tuluyang ilunsad ang "cursillo" sa bansa, sa utos ng Kanyang Kabunyian, Rufino Cardinal Santos, D.D., sinubok muna ito sa mga may potensyal na lider kabataan, sa mga opisyales ng Student Catholic Action (SCA) mula sa iba't-ibang pamantasan at kolehiyo ng Maynila. Sa loob ng paklaseng ito, dito nagpasya si John na paglabas niya ng "DIASPORA" class na iyon bilang pasasalamat sa Diyos sa lahat ng biyaya Niya, ay magpapari siya't papasok sa seminaryo. Dahil dito, napagpasyahang tagumpay ang paklase at ito’y nagbigay ng daan sa cursillo dito sa Pilipinas.
Nang ilunsad ang cursillo sa "Pilipinas, isa si Sis Viring sa mga naging aktibo sa kilusang ito. Pagkatapos niyang tanggapin ang katibayan ng pagtatapos sa "Carmel", Angeles City, siya ay nangalap ng mga kaibigan at kamag-anak upang sumapi sa cursillo at magkaroon ng bagong sigla sa "bagong-buhay" kristiyano.
Noong mga huling buwan ng taong 1970, naitalaga si Sis Viring na maging rektora sa Tsang "cursillo class" na pambabae sa Tipas, Taguig, Rizal doon sa "dambanang kawayan" na ang kura paroko ay si Rev. Fr. Ben Villote. Bago niya ibigay ang kanyang panayam bilang rektora ng paklaseng yaon, lumuhod siya sa harap ng tabernakulo at pagtayo niya't pagharap sa buong klase ay nakita siya na balot ng maputing ulap at siya'y iniangat hanggang kapantay ng tabernakulo. Idinipa niya ang kanyang kamay at hindi na si Sis. Viring ang kanilang nakita kundi ang Panginoong Jesukristo na duguan. Naghiyawan, iyakan ang mga tao sa pag-aakalang katapusan na ng mundo sapagkat nakita nila ang mukha ng Panginoong Jesukristo. Pagkatapos nito'y bumagsak siya at nang siya'y magkamalay nakita niyang dinadaluhan siya ng mga tao at nakita niya na may bahid dugo ang kanyang damit at katawan. Tinanong niya ang mga naroroon kung anong nangyari at sinabi nila sa kanya na nakita nila ang Panginoong Jesukristo sa katauhan niya. Magmula noon ay hindi na nakapagtrabaho si Sis. Viring sapagkat lagi ng sumasakanya ang Mahal na Ingkong at naglilingkod sa tao. Kapag tinatanong si Sis. Viring tungkol sa ganitong pangyayari ay sinasabi niyang wala siyang namamalayan sa mga nangyayari. Sinasabi niyang para siyang nananaginip, dinadala siya sa langit at inaatasang gumawa ng Tsang malaking misyon sa daigdig.
Nagsimulang gumanap ang MAHAL NA INGKONG sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Luklukan, Santa Maria Virginia sa Old Sacrifice Valley at doo'y nagtayo sila ng isang maliit na kapilya. Maraming napagaling at napagbago ang MAHAL NA INGKONG at dumami ang mga sumasampalataya. Nagsimula ang "pagtatatak" ng MAHAL NA INGKONG. Bawat taong nagsisisi at nagnanais na magpatatak ay tinatatakan ng MAHAL NA INGKONG sa noo ng krus, ng tatak kabanalan sa pamamagitan ng tubig, apoy at espiritu (Mt 3:11). Pinagkakalooban ang bawat isa ng banal na tatak (Eph 1:13, Eph 4:30), mga angelito at angelita sa mga bata, serafines at querubines sa mga kabataang lalaki, hijas de Maria sa mga kabataang babae at mga santo at santa sa mga sumasapit sa edad na dalawampu (20) pataas na tinatawag na mga "Apo" na ang kahulugan ay luklukan ng mga banal. Nagsimula ang kaganapan ng MAHAL NA INGKONG sa araw ng biyernes, sa ganap na ika-anim ng gabi. Ginaganap sa oras na ito ang "ultreya", kasunod nito'y ang Banal na Misa at banal na pag-aaral. Itinuturo ang mga aral ng Mahal na Ingkong, mga mensahe ng Mahal na Birheng Maria at ng mga tungkulin ng lahat ng tinatakan ng MAHAL NA INGKONG.. Sa ikaanim ng umaga, tuwing sabado, ay gumaganap naman ang mga Auxiliaries na binubuo ng mga Querubines, Serafines, Hijas de Maria, Angelito at Angelita. Sa ganap na ala-una ng hapon ay ipinagdiriwang ang Banal na Misa at sa ganap na ikaapat ng hapon ay gumaganap ang MAHAL NA INGKONG. Dumarating din ang Mahal na Inang Birheng Maria at ginagamit din ang Banal na Luklukan lalo't higit sa Kanyang kaarawan at mga kapistahan upang maipahayag ang Kanyang mga mensahe. Ipinapahayag ng MAHAL NA INGKONG at MAHAL NA INANG BIRHENG MARIA ang tunay na daan patungo sa Diyos. Itinuturo ang tunay na kaayusan sa pagsamba sa Diyos. Ang babae ay hindi maaring manamit ng damit panlalaki gayundin naman ang mga lalaki na hindi maaring manamit ng damit pambabae sapagkat sinumang gumagawa nito ay hindi kaaya-aya sa paningin ng Diyos (Deut 22:5). Ang babae namang nananalangin o nagpapahayag ng salita ng Diyos nang walang takip ang ulo ay nagdudulot ng kahihiyan sa nakakasakop sa kanya — siya'y parang babaing ahit ang ulo. Kung ayaw magtalukbong ang isang babae, magpaahit na siya ng buhok (1 Cor 11:5-6).
Ipinahahayag ng Mahal na Ina na nagdurugo ang puso Niya sa nakikita Niyang kasuotan ng kababaihan na hindi kaaya-aya sa paningin ng Diyos katulad ng pagsusuot ng t-shirt, pantalon, "sleeveless, miniskirt" at iba pang kasuotang hindi disente o marangal. Ninanais ng Mahal na Ina lalo't higit sa Santa Misa na magsuot ng tamang kasutoan ang kababaihan at magbelo upang maputol na ang mga nangyayaring kaguluhan at kalamidad sa ating bansa.
Sa ngayon, bagama't sumakabilang buhay na Banal na Luklukan na si Santa Maria Virginia ay patuloy pa ring gumaganap ang Mahla na Ingkong sa katauhan ng Kanyang ginagamit na kasangkapan na si Dr. + Juan Florentine L. Teruel, P.P.

Marami ng nakakaalam ng kaganapan ng MAHAL NA INGKONG. Ito ay lumalaganap na hanggang sa ibang bansa: America, California, Canada, Australia, Hongkong, Japan, United Kingdom, Middle East at iba pa. Doo'y marami nang mga tinatakan ang "MAHAL NA INGKONG" na nagpapalaganap ng 'Block Rosary" at ng Kanyang kaganapan.