Tuesday, September 22, 2009
BIRHEN NG BUNDOK NG CARMELO
Hulyo 16, ipinagdiriwang ng buong sangka-Kristiyanuhan ang Dakilang Kapistahan ni Maria sa Kanyang titulong Birhen ng Bundok ng Carmelo (kilala din sa taguring Birhen ng Del Carmel o Del Carmelo o Del Carmen).
Sa araw ding ito ay ginugunita ang pag-aabot o pagtatagubilin ng Iskapularyong Kayumanggi (Brown Scapular) ng Mahal na Ina kay San Simon Stock. Si San Simon Stock ay isang Carmelite gaya din nila Santa Teresa ng Batang Hesus (St. Therese of the Child Jesus), San Juan dela Cruz (St. John of the Cross) at Santa Teresa ng Avila (St. Teresa of Avila).
Sang-ayon sa Tradisyon, nagpakita ang Mahal na Birhen kay San Simon Stock sa Cambridge, Inglatera noong Huly 16, 1251. Bilang tugon sa panambitan ng butihing santo para sa kanyang orden, nagpakita ang Mahal na Birhen sa kanya habang hawak sa kamay ang isang kayumangging iskapularyo at ang wika: Kunin mo, mahal kong anak, ang iskapularyong ito ng iyong orden tanda (badge) ng aking pakikipagkaisa sa iyo at sa lahat ng Carmelite at bilang natatanging tanda din ng biyaya. Ang sinumang papanaw na suot ito, ay hindi maghihirap sa walang hanggang apoy. Ito ay tanda ng kaligtasan sa lahat ng mga panganib, pangako ng kapayapaan at pakikipagtipan.”
Lumaganap ang tradisyon na ito simula noong 1642, matapos mailathala ang mensahe ng Mahal na Birhen sa pamamagitan ng isang circular ni San Simon Stock na sinasabing kanyang nabanggit kay Peter Boyle, kanyang kalihim at kompesor.
Sa pamamagitan ng paglalahad na ito ni San Simon Stock hinggil sa mga pananalita ng Mahal na Birhen, naunawaan ng sanlibutan ang dalawang katotohanan:
• Mayroong natatanging pagsanggalang ang Mahal na Birhen para sa lahat ng kasapi ng orden ng Carmelite, at ang pagsanggalang na ito ay sumasakop maging doon sa mga nagsusuot ng abito ng mga Carmelite;
• Mayroong natatanging tulong na laan, lalung-lalo sa panahon ng kamatayan, para sa mga nagsusuot ng abito sa karangalan ng Mahal na Birhen laban sa mga pasakit ng impiyerno. Parehong tulong ang nakalaan sa mga magsusuot ng iskapularyo sa karangalan ng Ina ng Diyos na tanda din ng pakikiisa sa Orden ng mga Carmelite.
Ang Bundok Carmelo (Mount Carmel) ay isang bulubunduking matatagpuan sa Hilagang Israel. Nalalatagan nito ang mga lupain sa gilid ng dalampasigan ng Dagat Mediterreneo at itinuturing din ang lugar na ito na UNESCO Biosphere Reserve. Lumalatag din ang sakop ng bulubunduking Carmelo sa Haifa, ang ikatlong pinakamalaking lungsod ng bansang Israel.
Pls. Fill-up the form below to send me e-mail.... Thank You!!!
Email forms generated by 123ContactForm
MASS INSTRUMENTALS (MP3)
Sa piging ng ating panginoon
Purihin ang Panginoon
Christus vincit
Kaawaan mo kami
Papuri Sa Diyos
Aleluya Kami Ay Gawin Mong Daan
Kordero new recorded
Ama Namin(TNB)
Sapagkat(TNB)
Magpasalamat sa panginoon
Santo TNB)
Sa Krus Mo at Pagkabuhay TNB)
Purihin at pasalamatan
15 Panginoon Patawad Po (vocal)