Tuesday, September 22, 2009

KASAYSAYAN NG INA POON BATO

Sa isang malayong lugar ng Botolan, Zambales, ng Bansang Pilipinas. Sa kabundukan nito ay may tribung nakatira ng mas kilala sa tawag na “aeta”. Sila ay pinamumunuan ni Djadig dahil sa natatangi at may pambihirang galing nito sa pangangaso at wala pang nakakatalo sa kanyang galing sa pagsibat, pamamana at bilis nitong tumakbo at kahit wala siyang dalang sandata ay nakakahuli siya ng mailap na usa. Minsan sa paglalakbay ni Djadig kasama ang tatlo niyang anak sila ay tumigil sa isang ilog na kung tawagin ay Pastac ng may biglang hindi maipaliwanag na liwanag at may narinig syang napaka-ganda at makalangit na tinig na sumasabay sa hangin na nagsasabing, “Tumayo ka, Djadig. Hanapin mo ako. Puntahan at isama mo ako sa iyong pag-uwi.”

Ang tinig ay nang-gagaling sa tuktok ng napakataas na bato, mula doon sa kinaroroonan ni Djadig, mag-isa syang pumunta sa tuktok ng bato at nakita nya ang napaka-gandang babae na nagliliwanag at ang damit ng babae ay parang kumikintab ng ginto. Ang kanyang buhok ay katulad ng liwanag ng araw sa kinang nito, at ng mga mata nito ay tunay na maamo at dahilan para mapansin ni Djadig na ito ay parang nagmamakaawa. Si Djadig ay hinihila ng natatanging pagmamahal nito sa Diyos at para siyang minamagneto para mapalapit sa babae, kung kaya’t ipinikit at minulat muli ni Djadig ang kanyang mga mata para masigurong hindi siya nananaginip o namamalik mata. Nang siya’y lumapit, nakita nya ang isang bagay na ito, ang napaka-gandang babaeng kanyang nakita kanina ay isa palang imahen na inukit sa kahoy na may kumikinang na ginto.


"Isama mo ako sa iyong pag-uwi," ang napakaganda at makalangit na tinig ay nagwika muli na nag-uutos, at walang anu-ano ay sinunud nga ni Djadig ang pinag-uutos nito. Nang nakauwi na si Djadig, ay agad niyang isinalaysay sa kanyang asawa anf lahat ng kanyang karanasan. Ang kanyang asawa ay hindi naniwala sa kanyang misteryosong kuwento. Bagkus, nagalit ito dahil sa hindi nakapangangaso si Djadig, kinuha niya ang imaheng kahoy at tinuring na walang saysay o walang gamit kung kaya’t itinapon ito dahil galit sa kanilang nag-aapoy na lutuang bato para sunugin, nang biglang lumakas at tumaas ang apoy hangang sa kisame ng kanilang lutuan na nagging dahilan para masunog ang maliit na bahay ni Djadig humingi sila ng tulong pero bago dumating ang tulong ay nagmistulang abo na bahay nito. “Sandali tingnan ninyo!” Umiiyak ang mga bata ng nakitang may kumikinang na liwanag sa pira-pirasong kawayan, “Ang nagliliwanag na imahen ay hindi nasunog.” Totoo nga. Nakita nila na walang kagalusgalos o sunog ang Imaheng kahoy at ito’y kumikinang na parang ginto. Bilang kabayaran, ay nag-bigay sila ng galang, respeto at mataas na papuri’t pagmamahal sa Imahen. Ang mga aeta o negrito ay ibinalik ang Sagradong Imahen kung saan ito natagpuan at na diskubre ni Djadig.

Maraming taon ang nag-daan, at ang unang mga taga Europa ay tumuntong sa lupa ng Pilipinas. Nang sakupin nila ang Pilipinas, ipinakilala ng mga ito ang kristianismo, ngunit sila ay nabigla ng ipakita ng mga eta o mga negrito ang Imahen ng Birhen Maria, sila ay natuwa at nagbigay ng malaking parangal sa nakita nilang replika ng sarili nilang patrona ang babaing kanilang tagapag-adya, ang “Ina Poon Bato”.

Ang Barrio ng Ina Poon Bato na kung saan nagsimula ang pamimintuho ng mga katutubo sa Mahal na Ina ay nasira mula noong magsimulang sumabog ang Bulkang Pinatubo. Ang Imahen ay nailigtas at ito ay idinambana at matatagpuan sa Bunga, Botolan, Zambales na kung saan ay ipinagdiriwang ang kanyang kapistahan.

Sa ngayon ang Apostolic Catholic Church ay pinipintakasi ang Mahal na INA POON BATO at itinuturing at tinanghal na patrona ng Simbahan na matatagpuan sa EDSA Proj. 7 Quezon City.

Pls. Fill-up the form below to send me e-mail.... Thank You!!!

Name:*
Email:*
Subject:*
Message:*
Verification No.:*
contact form faq verification image

Email forms generated by 123ContactForm