Wednesday, September 23, 2009

APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH

Ang Apostolic Catholic Church (ACC) ay isang Katolikong Simbahan na laganap na sa maraming panig ng mundo. Ito ay natatag sa kapangyarihan ng Diyos Espiritu Santo, na nagpatawag sa abang Pilipinong pangalang Mahal na Ingkong, sa pamamagitan ni Patriyarka, +Juan Florentino L. Teruel, P.P.

Ito ay itinatag noong ika-13 ng Hulyo taong 1991, at itinala sa Pilipinas sa tanggapan ng Securities and Exchange Commission bilang ANO-002797 noong ika-7 ng Hulyo 1992 sa Kanyang eklesyastikong lugar ng Barangay Sacrifice Valley, Hermosa, Bataan. Ito ay itinakda ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan bilang Pilgrimage Capital, at ngayon ay ganap nang kasapi ng National Council of Churches in the Philippines (NCCP).

Ang Apostolic Catholic Church ay isang ganap na Katolikong Simbahan sa kapangyarihan ng Mahal na Ingkong, ang Diyos Espiritu Santo na sa Pilipinas ay gumaganap buhat pa noong dekada 70 (mayroong kinakasangkapang luklukan). Natupad sa Apostolic Catholic Church ang bahagi sa Kredo ng mga Apostol, na ang nakasaad ay ganito: "Sumasampalataya ako, sa Diyos Espiritu Santo, na May Santa Iglesia Katolika..." Ang Espiritu Santong ito na sinasabing nagtatag ng simbahan noong araw ng Pentecostes at nagpakilala sa Kanyang Simbahan bilang "One, Holy, Apostolic, and Catholic Church" subalit noong taong 1054 dulot ng pagkakaroon ng ilang pagbabago sa doktrina ng Simbahan, itong dating iisang Simbahan ay nahati sa dalawa bilang Roman Catholic Church (Western Church) at Orthodox Church (Eastern Churches). Ito ang panahon na sinabi ng kasaysayan bilang "Great Schism".

Ang Kredo ng mga Apostol na binuo ng mga Alagad sa inspirasyon ng Diyos Espiritu Santo, ang Mahal na Ingkong, ay sinasabi sa mga huling bahagi ang ganito: 'Na sumasampalataya ako, sa Diyos Espiritu Santo, ang Mahal na Ingkong , ay sinasabi sa mga huling bahagi ang ganito: "Na sumasampalataya ako, sa Diyos Espiritu Santo,na may kasamahan ng mga Banal..." Ito ay nangyayari sa Apostolic Catholic Church sa pagbibinyag ng Mahal na Ingkong, kung saan ay tinutupad Niya ang sinasabi sa panalanging itinuro sa atin ng Panginoon, na ganito: "Ama naming nasa langit, sambahin ang pangalan Mo, mapasaamin ang kaharian Mo"... Ang mga nakatira sa kaharian ng Diyos ay mga Banal na Espiritu gaya ng mga Santo at Santa, mga anghel tulad ng mga Kerubin, Serapines, Hijas de Maria at mga Arkanghel, na sa Kanyang pagbibinyag ay ibinubuhos Niya ang mga Espiritung ito sa mga tao upang mangyari ang sinasabi ni Propeta Joel "na darating ang panahon na ibubuhos ng Diyos sa mga laman ang mga espiritu" (J1 2:28) at sa mga dakilang araw na ito ay "magsasama ang mga taga langit at mga taga lupa" (Ef 1:10).

Sa nasabing Kredo ng mga Apostol, magpahanggang ngayon ay ipinapahayag ang pananalig sa Diyos Espiritu Santo, na ganito: "Na sumasampalataya ako, sa Diyos Espiritu Santo, sa kapatawaran ng mga kasalanan at sa buhay na walang hanggan..." na pinapatayo ng Mahal na Ingkong ang sinumang tao na bagama't nais nang magpabinyag o magpatatak subalit kung sa kanilang puso ay Kanyang nakikita ang kawalan ng kanilang wagas na pagsisisi at ng Sakramento ng Simbahang Katoliko. Sapagkat sa Kanya ay walang nalilihim, maging ang bilang man ng ating mga buhok.


Tanging ang Apostolic Catholic Church ang simbahang Katoliko na nagpapalaganap at nagtuturo ng mga gawain at aral ng Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong sa ating henerasyon. Maraming mga tanda sa simbahan na naka-ugat sa mga lumang tradisyon ang Kanyang ipinapalaganap.

Ang Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Dalawa ang Kanyang Krus•na sumasagisag sa simbahan ng Romano at Orthodox, na sa gitna ay mayroong puting kalapati. Ang kanyang misyon ay upang tupdin ang dakilang hangarin ng Mahal na Ingkong na Sila'y pag-isahin at ang lahat ng mga humiwalay sa Iisa, Banal, Apostolika at Katolikang Simbahan bilang iisang kawan na naglilingkod sa iisang Diyos.

2. Madaling makilala ang Kanyang mga kasapian sa kanilang puting sutanang kasuotan; sa babae ay nakabelo at sa mga lalake ay naka-"hood" at lahat sila'y nakakuwintas ng Krus na ang Kristo ay muling nabuhay.

3. Kung sila ay magsimba, magkahiwalay ang babae at lalake, walang upuan at panyapak, at kung tumanggap ng Banal na Komunyon ay nakaluhod at sa pamamagitan ng dila lamang.

4. Ang Santo Rosaryo sa kanila ay palagiang banal na gawain sapagkat araw-araw ito ay kanilang sinasambit sa mga Block Rosaries ng mga komunidad. Higit dito, ang mga misteryo ng Diyos sa Banal na Rosaryo ni Mariang Mahal, ay kanilang isinasabuhay sa kanilang pamumuhay. Kung paano mayroong napakalaking puwang si Maria sa kanilang puso at isip.

5. Ang kanilang kapatirang bati ay `Ave Maria Purissima" na sinasagot naman ng "CinPicado Con Su Vida", na ang kahulugan ay "0, Mariang walang bahid dungis, Ikaw na nabubuhay ng walang kasalanan, ipanalangin Mo kaming makasalanan".

6. Malayo sila sa mga bisyo at sa mga ipinagbabawal ng simbahan.

7. Pito rin ang bilang ng Kanilang Sakramento. Ito ay ang Binyag, Matrimonyo, Kumpil, Eukaristiya, Santo Oleo, Kumpisal, at Banal na Orden.

8. At ang kanilang ginagamit na pagpapahayag ng pananampalataya ay ang Niceno Kredo.

Ang herarkiya at edukasyon ng mga kaparian ng Apostolic Catholic Church ay mula sa pamumuno ng kanilang Patriyarkang tagapagtatag, katuwang ng simbahan ay ang Matriyarka, ang Banal na Luklukan ng Mahal na Ingkong. Sumusunod sa Kanya ang Arsobispo nanamamahala sa Kalipunan ng mga Obispo. Susunod ay ang mga katuwang na Obispo o mga Monsinyores at sinusundan ng mga Kaparian at Diyakono.


Sa katuparan at pagsasanay ng Simbahan, ang St. John the Baptist Seminary, na matatagpuan sa Barangay Sacrifice Valley, Hermosa, Bataan, ang siyang naghuhubog sa mga kalalakihang nagnanais na maging Pari sa tawag ng Mahal na Ingkong. Sa kanilang pagiging Pari, sila ay napapasailalim sa kongregasyon ng Order of Missionaries of the Holy Spirit kung saan sila ay binubuo ng dalawang uri: ang mga Paring may asawa at mga Paring binata o celibate subalit taglay ang mga sumpa o panata (vows) ng Kalinisan, Karukhaan, Kasunuran at Pagtanggap. Ngunit ang Kanyang mga Madre ay natatangi at sadyang mga kadalagahan lamang. Bagama'tmaroon Ilan kababaihan na may asawa ang kasapi sa Third Order, ng Order of the Missionaries of the Holy Spirit (OMHS).

Ang Apostolic Catholic Church ay mayroong dalawang uri ng kasapi. Ang isa ay ang mga Binasbasan ng Mahal na Ingkong (Bininyagan sa tubig, apoy at espiritu) ay tinatawag na "Full Pledge Member", at ang isa ay ang mga hindi pa Basbasan ngunit tumanggap ng Sakramentong binyag ng Simbahan. Tinatawag Ito na "Associate Member".

Ang mga pangunahing tungkulin ng bawat kasapi ay ang mga sumusunod:

1. Ang buong alab na maipalaganap ang paghahari ng Mahal na Ingkong bilang Diyos Espiritu Santo sa ating panahon.

2. Maging banal ang kanilang pamumuhay sa biyaya ng mga panalangin at paglilingkod para sa higit na ikaluluwalhati ng Diyos tulad ng pagsasabuhay sa mga Sakramento at ng palagiang pagdalo sa mga gawain ng Mahal na Ingkong sa Banal na Lupa.

3. Maging matulungin sa pamamagitan ng kawang-gawa, paglilimos tulad ng ikapu at mga abuloy.

4. Palaging magkaroon ng mabuting asal at malayo sa mga bisyo at bawal na gawain.

5. Maging masinop sa mga bunga ng pagsisikap at tiyaga.

6. Maging laging determinado sa mga pangarap sa buhay ng may kasiyahan sa lahat ng mukha ng pagsubok kapag ito ay dumarating, at

7. Maging palaging bukas at responsable sa mga tungkulin at pananagutan na naka-atang sa kanilang sarili.


Ang misyon ng Apostolic Catholic Church ay laganap na sa maraming bansa. Ang bawat lugar ng kaganapan ng Apostolic Catholic Church ay mayroong nakatakdang Obispong tagapangasiwa. Kasama niya rito ang kanyang mga katuwang na Obispo at mga kaparian na namamahala sa mga Laykong aktibo sa pakikibahagi ng tungkuling mamuno sa lahat ng gawaing Simbahan at komunidad. Ang bawat bansa ay mayroong tinatawag na Rehiyon o Diyosesis at Distrito para sa mga Basbasan at mga Pastoral na tagapamahala sa bawat parokya.


Sa kasalukuyan ang National Shrine of Ina Poon Bato ang pinakasentro ng Simbahan ng Apostolic Catholic Church at ito ay matatagpuan sa 1003 EDSA, Veterans Village, Project 7, Quezon City, Phils.

Pls. Fill-up the form below to send me e-mail.... Thank You!!!

Name:*
Email:*
Subject:*
Message:*
Verification No.:*
contact form faq verification image

Email forms generated by 123ContactForm