Ave Maria Purissima!
Muli sa kauna-unahang pagkakataon pagkalipas ng halos limang(5) taon ng paghihintay ay muling naganap sa lupang banal (Sacrifice Valley) ang mga hinirang ng Mahal na Ingkong sa kapistahan mismo ng mga banal!
Tunay na ikinagalak ng bawat hinirang ang pagkakataong ito, sapagkat labis-labis ang kasabikan ng bawat isa na makaganap muli sa araw na itinakda ng Mahal na Ingkong, anuman ang maging balakid, katunayan sa araw na ito ay nakataas ang Storm Signal No. 3 sa Central Luzon ngunit ito ay hindi naging hadlang para tupdin ng mga tinatakan ang kanilang pakikipagniig sa kanilang mga banal na tatak na kaloob ng Mahal na Ingkong.

Narito ang larawan ng mga bagong hihiranging mga luklukan ng mga Banal sa kauna-unahang pagkakataong muli pagkalipas ng halos 5 taon na paghihintay.
Mayroong 62 bagong hihiranging kandidato sa araw na ito.
Mayroong 62 bagong hihiranging kandidato sa araw na ito.
Makikita rin ang pag - maƱanita ng mga tinatakan sa araw ng kanilang mga banal!
Dito ay binibigyan ng pagkakataon ng Mahal na Ingkong na magkasama ang kanilang mga banal at ang hinirang na luklukan nito.
Dito ay binibigyan ng pagkakataon ng Mahal na Ingkong na magkasama ang kanilang mga banal at ang hinirang na luklukan nito.
Sa oras ding ito ay inihayag ng Mahal na Ingkong na ang pasimula ng kaganapang ito sa lupang banal ay patuloy nang magaganap tuwing araw ng biyernes at sabado sa Nature's Basilica ng Sacrifice Valley!
Nawa mga minamahal kong mga kapatid na hinirang ng Mahal na Ingkong, ako po ay labis na nagagalak sa muli nating pagtungtong sa lupang banal at upang patuloy itong maganap ay suportahan natin ang Misyong ito ng Mahal na Ingkong sa pangunguna ng ating pinakamamahal at ginagalang na Patriarka ng ating Simbahan, ang Kanyang Kabanalan + Dr. Juan Florentine L. Teruel, Phd. P.P.
Mabuhay po tayong lahat at pagpalain tayong lahat ng Mahal na Ingkong!!!
Mayroon ding mga Video ng kaganapan sa link na ito:
Kapistahan ng Mga Banal sa Sacrifice Valley 1
Kapistahan ng Mga Banal sa Sacrifice Valley 2
Kapistahan ng Mga Banal sa Sacrifice Valley 3
revnomeromhs