Thursday, December 10, 2009

MIRACLE PHOTO'S


Habang nagmamañanita si Fr. Nomer, Ferdimar C. Sumala, OMHS ay kinunan ng litratista at nang ito ay mai-develop ay nakita na lamang ang hugis ng isang tao na parang nagtataas ng ostia.
Ito ay kuha nuong July 25, 2009.

Mañanita - tradisyon ng mga tinatakan ng Mahal ng Ingkong na kung saan ay ginugunita ng bawat tinatakan ang kaarawan kung kailan naipagkaloob ang banal na tatak at gabay sa bawat hinirang.

Isang pangyayari na pinapatunayan na ang lahat ng tinatakan ng Mahal na Ingkong ay may banal na tatak na gumagabay at sa oras na ito habang nagmamañanita ay tunay na nakikipag-ulayaw ang banal sa kanyang luklukan.



Isang pangyayari ang naganap nuong October 11, 2009 habang nagmimisa para sa pasasalamat ng ika 63 taong kaarawan ng Ama ni Fr. Herbert at sa oras ng pagsusubo ng komunyon ni Fr. Emilio Arturo Costillas, OMHS sa isang luklukan ng Serafines na si CAli (pamangkin ni Fr. Herbert) ay kinunan ng isang luklukan din ng Anghelita. Ang nabanggit na Digital Camera ay pag-aari ng kaibigan ni Fr. Herbert, na kaya lamang lumuwas ng Maynila galing ng Mindanao ay para magpatatak nuong Oct 10, 2009.

Makikita sa larawan na nagliwanag at naging kulay ginto ang ostiang isinusubo (hindi basta ostia sapagkat sa simbahang Apostolic Catholic Church ay isinasawsaw sa alak ang ostia) na nanggaling pa mismo sa isang pari na minsan ay nakaranas ng isang malaking pagsubok sa kanyang kaganapan bilang isang pari. At kung inyong mamasdang mabuti at ilalapit ay maaaninag ang mukha ng ating Panginoong Hesus na nakaharap sa nagliliwanag na Ostia. Ito ay maaaninag sa damit ni Fr. Herbert na siyang humahawah sa Chalice.

Minamahal kong mga kapatid, isang pagpapatunay lamang na ipinapakita sa larawang ito na ang Diyos ay nananahan sa Simbahang Apostolic Catholic Church at tunay na sagrado ang komunyon na idinudulot ng mga kaparian ng Order of the Missionary of the Holy Spirit.


Pls. Fill-up the form below to send me e-mail.... Thank You!!!

Name:*
Email:*
Subject:*
Message:*
Verification No.:*
contact form faq verification image

Email forms generated by 123ContactForm