| |||
Ngunit nagkasala ang taoRoma 3:23 Sapagkat ang lahat ay nagkasala at walang sinumang karapatdapat sa paningin ng Diyos. Isaiah 59:2 Ngunit ang sala mo ang nagiging dahilan kaya di marinig ang dalangin mo, at siya ring dahilan ng paglalayo ninyo. Roma 6:23 Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan... Hebreo 9:27 Itinakda sa mga tao na minsan lamang mamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom. | |||
| |||
Ano ba ang mangyayari sa makasalanan?Pahayag 21:8 Subalit malagim ang kasasapitan ng mga duwag, mga taksil, mga nagpasasa sa kasuklam-suklam na kahalayan, mgamamamatay-tao, mga mapakiapid, mga mangkukulam, mga sumasamba sa diyus-diyusan, at lahat ng sinungaling. Sila’y ibubulid sa lawa ng naglalagablab na asupre, na siyang pangalawang kamatayan. Sa listahan ba ay kasama ang kasalanang nagawa mo? | |||
| |||
B. Ang solusyon ng TaoMabuting Gawa ba?Efeso 2:8,9 Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos ay naligtas kayo sa pamamagitan ng inyong pananalig kay Kristo. At ang kaligtasang ito’y kaloob ng Diyos, hindi mula sa inyo. Hindi ito dahil sa inyong mga gawa kaya’t walang dapat ipagmalaki ang sinuman. Relihiyon ba?Gawa 4:12 Kay Kristo lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat sa silong ng langit, ang Kanyang pangalan lamang ang ibingay ng Diyos sa ikaliligtas ng tao. Karunungan ba?Roma 2:13 Sapagkat hindi ang mga nakikinig sa Kautusan, kundi ang tumatalima rito ang pawawalang-sala ng Diyos. | |||
| |||
C. Ang solusyon ng DiyosJuan 3:16 Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumasampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. 1 Pedro 3:18 Sapagkat si Kristo’y namatay para sa inyo. Namatay siya dahil sa kasalanan ng lahat- ang walang kasalanan para sa mga makasalanan- upang iharap kayo sa Diyos... Juan 5:24 Sinasabi ko sa inyo, ang nakikinig sa aking salita at nananalig sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan kundi inilipat na sa buhay mula sa kamatayan. | |||
| |||
D. Ang PagtanggapPahayag 3:20 Heto ako at nakatayo sa labas ng pintuan at tumutuktok. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, ako’y papasok sa kanyang tahanan at magkasalo kaming kakain. Juan 16:24 Hanggang ngayon wala pa kayong hinihingi sa Kanya sa pangalan ko. Humingi kayo at kayo’y tatanggap upang malubos ang inyong kagalakan. Roma 10:9 Kung ipahahayag ng inyong mga labi na si Hesus ay Panginoon at mananalig ka nang buong puso na siya’y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka. |
Friday, August 27, 2010
TULAY NG BUHAY
Subscribe to:
Posts (Atom)
Pls. Fill-up the form below to send me e-mail.... Thank You!!!
Email forms generated by 123ContactForm
MASS INSTRUMENTALS (MP3)
Sa piging ng ating panginoon
Purihin ang Panginoon
Christus vincit
Kaawaan mo kami
Papuri Sa Diyos
Aleluya Kami Ay Gawin Mong Daan
Kordero new recorded
Ama Namin(TNB)
Sapagkat(TNB)
Magpasalamat sa panginoon
Santo TNB)
Sa Krus Mo at Pagkabuhay TNB)
Purihin at pasalamatan
15 Panginoon Patawad Po (vocal)