Tuesday, February 1, 2011

MAHAL NA BIRHEN NG LOURDES


Noong taong 1858, nagpakita ang Mahal na Inang Maria ng labing-walong beses kay Bernadette Soubirous sa isang maliit na pamayanan sa Pransya na kung tawagin ay Lourdes. Walang kamatayan ang mga mensahe ni Maria kay Bernadette at magpahanggang ngayon ay naaangkop pa rin ito sa ating pamumuhay.
Isinilang si Bernadette noong ikapito ng Enero 1844, panganay na anak ng mag-asawang Francois Soubirous at Louise Casterot. Maganda ang kabuhayan ng mag-anak; nagtatrabaho bilang manggigiling si Francois. May walong kapatid si Bernadette -- anim na lalaki at dalawang babae -- subalit tatlo lang sa kanila ang tumanda nang mahigit sampung taong gulang. Lalong pinagtibay ng trahedya ang pagmamahalan ng pamilya Soubirous. Payapa silang nabuhay at hindi naringgan na nag-aaway ang ama't ina. Dahil maganda ang pagpapalaki sa kanila ng magulang, naging matatag si Bernadette sa gitna ng mga pagsubok, kahirapan at karamdaman.
Nagbago ang takbo ng buhay ng pamilya Soubirous noong 1854. Nabilanggo si Francois pagkatapos siyang paratangang nagnakaw ng dalawang sako ng trigo -- na hindi naman totoo. Matapos niyang lumaya, tinamaan ng dalawang taong tagtuyot ang kanilang lugar. Humina ang ani, nadamay pati ang trabaho sa gilingan. Tuluyan nang nawalan ng hanapbuhay si Francois nang mag-usbungan ang mga makinarya noong Industrial Revolution. Napilitang tumira ang mag-anak sa isang maliit na tulugan sa isang dating kulungan na kung tawagin ay Cachot.
Kasabay ng paghihirap ng pamilya Soubirous, kinapitan ng cholera ang batang si Bernadette. Sanhi nito habambuhay na siyang nakipagbuno sa karamdaman at dinadapuan ng mataas na lagnat. Bukod sa paghihirap na pisikal, lubha ding dinamdam ni Bernadette ang pagmamaliit ng lipunan sa mga kagaya nilang naninirahan sa Cachot.
Hindi nakakapasok sa paaralan si Bernadette sanhi ng karamdaman. Sa gulang na katorse, tanging wika ng taga-Lourdes ang alam niya. Hindi siya marunong magsulat, magbasa o magsalita ng Pranses. Sa kasamaang-palad, sa wikang Pranses lamang itinuturo ang katekismo noong panahong iyon sa kanilang bansa. Nagsisimba si Bernadette ngunit hindi siya pinapayagang tumanggap ng kumunyon hanggang tulungan siya ni Fr Pomian. Pagmamahal ng kanyang ina ang nakapagpapalakas sa loob ng dalaga. Ngunit may kakaibang katangian si Bernadette at pinalad siyang pagpakitaan ng labingwalong beses ng Mahal na Birheng Maria. Dahil sa mga aparisyong ito, nagbago ang mundo at nakilala ang pangalang Bernadette.

Unang Aparisyon – Huwebes, 11 Pebrero 1858
Pagkatapos nilang maghapunan ilang araw bago ang Miyerkules ng Abo, napansin ng ina ni Bernadette na wala na silang panggatong sa bahay kaya inutusan si Bernadette, ang kapatid nitong si Toinette at ang kapitbahay nilang si Jeanne Adabe na mangahoy. Kinakailangang tumawid sa malamig na tubig ng Ilog Gave patungo sa kahuyan at sa pangambang hikain siya, minabuti ni Bernadette na magpaiwan sa pampang doon sa ilalim ng grotto ng Massabieille.
Habang hinihintay niyang bumalik ang mga kasamahan, nakarinig si Bernadette ng malakas na ugong na parang may nagbabadyang unos -- datapwat walang gumagalaw sa paligid. Natakot siya. Tumayo si Bernadette ngunit nawalan siya ng kakayahang magsalita at mag-isip. Bumaling siya sa grotto at nakita niya ang isang rosebush sa batong lagusan; gumagalaw ito kahit hindi hinihipan ng hangin. Mula sa loob ng grotto, tumambad ang nakasisilaw na gintong ulap. Kasunod nito ang paglabas ng isang kabataang babae na may taglay na pambihirang kagandahan.
Nginitian ng Birhen si Bernadette at inanyayahang lumapit sa kanya -- hindi kaiba sa isang ina na tumatawag sa kanyang anak. May tangang rosaryo sa kanyang kanang bisig ang Birhen kaya inilabas din ni Bernadette ang kanyang rosaryo at lumuhod sa harapan nito. Nagsimula siyang magdasal. Nang tangkain niyang gawin ang tanda ng krus, namangha siya dahil paralisado ang kanyang kanang bisig. Naigalaw lang niya itong muli pagkatapos gawin ng Birhen ang tanda kng krus. Habang nagrorosaryo si Bernadette, nanatiling tahimik ang Birhen pero hinahawakan nito ang mga butil ng kanyang rosaryo. Sinasabayan ng Birhen sa pagbigkas ng Luwalhati si Bernadette. Naglaho ang Birhen at ang gintong ulap matapos ang panalangin.
Ikinuwento ni Bernadette sa kapatid ang pangyayari at hiningi niyang ilihim nila ito. Pero hindi nawala sa isip ni Bernadette ang imahen ng Birhen.
Isang gabi habang nagdadasal ang pamilya Soubirous, sukat na nabahala si Bernadette at nagsimulang umiyak. Pilit inalam ng ina kung anong nangyayari sa kanya. Sinabi ni Toinette sa ina ang lahat ng ikinuwento sa kanya ng kapatid. Sa pag-aakalang ilusyon lang ni Bernadette ang lahat, pinagbawalan siya ng ina na bumalik sa Massabieille.
Hindi nakatulog si Bernadette nang gabing iyon. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang maamo at mapagpalang mukha ng Birhen. Hindi siya naniniwalang ilusyon lang ang lahat; nakatitiyak siya sa kanyang nasaksihan. Ganito ang pagkakalarawan niya sa Birhen:
"Para siyang kabataan na edad 16 o 17. Nakasuot ng balabal na puti na tinalian ng kulay asul na sintas sa baywang. May umbrera at magandang pilegis ang balabal sa may leeg. Mahaba ang manggas at hapit na hapit. May suot din siyang puting belo na abot hanggang baywang at nakatakip ang karamihan sa kanyang buhok. Nakatapak lang siya at abot sa paa ang laylayan ng balabal maliban lamang sa bahagi kung saan may mga kumikinang na dilaw na rosas sa bawat paa. Meron siyang rosaryo sa kanang bisig na may puting butil at gintong kuwintas na gaya ng dalawang rosas sa kanyang paanan.”
Ikalawang Aparisyon – Linggo, 14 Pebrero 1858
Kinalingguhan, pinayagan si Bernadette ng kanyang ina na bumalik sa grotto. May dalang agua bendita si Bernadette nang humayo siya doon kasama sina Toinette at Jeanne. Kung totoo ang sabi ng matatanda, kakailanganin nila ang binasbasang tubig upang labanan ang masasamang espiritu. Imbes na sabuyan niya ng agua bedita ang Birhen pagkakita niya dito, tahimik na ibinuhos ni Bernadette sa lupa ang dala-dala. Binalingan niya sina Toinette at Jeanne, sabay sabi na sa nakita niyang hitsura ng Birhen, natuwa ito sa inasal niya. Pumukol ng bato si Jeanne ngunit kasabay ni Toinette tumalilis ito dahil sa takot. Nagsumbong si Toinette sa ina na sumugod sa grotto hawak ang isang sanga. Usap-usapan na sa lugar nila ang mga nangyayari kay Bernadette.
Kaiba sa mga mamamayan, maganda ang naging pananaw ni Madame Millet sa mga pangitain ni Bernadette. Tinitingala sa lipunan nila si Madame. Sa pahintulot ng ina ni Bernadette, sinamahan niya ang dalagita sa grotto kasama ang isa pang kaibigan, si Antoinette Peyret.


Ikatlong Aparisyon – Huwebes, 18 Pebrero 1858

Nagsimba muna sina Madame Millet, Antoinette at Bernadette bago nagpunta sa grotto. May dalang binendisyunang kandila si Madame Millet samantalang nagbaon ng panulat, papel at tinta si Antoinette upang itala ang anumang mensahe ng Birhen. Anang Birhen kay Bernadette: "Hindi na kailangang isulat pa ang aking sasabihin. Maaari ka bang magtungo dito araw-araw sa susunod na labinlimang araw?” Hindi ipinaliwanag ng Birhen kung bakit nais niyang bumalik si Bernadette at hindi rin niya ito pinangakuang magkakamit ng kasiyahan sa mundo. Gayunman, nangako siyang may kaligayahang naghihintay kay Bernadette sa langit.
Ikaapat na Aparisyon – Biyernes, 19 Pebrero 1858
Sinamahan si Bernadette ng kanyang mga magulang, tiyahin at ilang kapitbahay sa grotto. Ilang sandali matapos magsimulang magrosaryo si Bernadette, nakita ng lahat na nagliwanag at nag-iba ang kanyang mukha.
Ikalimang Aparisyon – Sabado, 20 Pebrero 1858
Tinuruan si Bernadette ng Birhen ng isang panalangin. Hindi ito isiniwalat ni Bernadette kaninuman ngunit dinasal niya ito araw-araw hanggang kamatayan. Inatasan din siyang magdala ng binendisyunang kandila. Ito ang dahilan kung bakit hanggang sa kasalukuyan, maraming kandila ang sinisindihan sa dambana sa Lourdes.
Ikaanim na Aparisyon – Linggo, 21 Pebrero 1858
Sinabihan ng Birhen si Bernadette na "magdasal para sa mga makasalanan" -- hindi naman siya binigo ni Bernadette. Daan-daang tao ang nakasaksi sa mga pangyayari kay Bernadette sa araw na ito. Kasama na dito si Dr. Dozous, isang kilalang manggagamot sa Lourdes. Sinuri niya si Bernadette. Ayon sa duktor, wala siyang makitang abnormal sa pisikal na kalagayan ng dalaga. Kahit parang nakalutang sa ulap si Bernadette, aniya, "regular ang kanyang pulso, magaan ang kanyang paghinga at hindi siya kakikitaan ng nerbiyos o kaguluhan.”
Nagpulong ang mga mamamayan at nagtalo ukol sa napapabalitang mga aparisyon. Sa takot nilang magkaroon ng kaguluhan sanhi ng mga malalaking pagtitipon sa grotto, nahimok nila ang Procurer Imperial, si M. Dutour, na pagbawalang bumalik doon si Bernadette. Hindi napapayag si Bernadette. Pagkatapos nilang mag-usap ng dalaga, kinausap ni Dutour ang dalawang lokal na opisyal – si M. Jacomet, ang hepe ng pulisya, at si M. Estrade. Di kalaunan naging kaibigan si Estrade nina Bernadette at Dutour. Nakinig si Estrade sa mga pag-uusap nina Jacomet at Bernadette at masusi niya itong ini-rekord.
Sa isa nilang pag-uusap, sinadya ni Jacomet na lituhin si Bernadette upang tingnan kung magbabago ang kanyang pahayag tungkol sa mga aparisyon. Pinanindigan ni Bernadette ang kanyang salaysay. Walang nagawa si Jacomet kundi pakawalan si Bernadette. Subalit binalaan nito ang ama ng dalaga na iuwi agad siya sa tahanan at siguraduhing hindi na magkakaroon pa ng kaguluhan. Ngunit nanaig ang tawag ng damdamin sa anumang babala mula sa mga awtoridad kaya bumalik si Bernadette sa grotto kinabukasan pagkagaling sa paaralan. Sinundan siya ng dalawang pulis. Sumunod din ang maraming tao. Nagmasid ang mga pulis sa di kalayuan habang lumuhod si Bernadette sa nakagisnan niyang lugar. Pagtayo niya, nilapitan siya ng mga pulis at tinanong kung ipagpipilitan niya na nakita niya ang Birhen. “Hindi. Wala akong nakita ngayon na kahit ano,” aniya. Pinayagang umuwi si Bernadette ngunit siya ay kinutya at pinagbantaan. Ayon sa mga nang-uuyam, takot daw ang Birhen sa mga pulis kaya hindi ito nagpakita sa kanila.
Ikapitong Aparisyon – Martes, 23 Pebrero 1858
Higit-kumulang dalawang daang katao ang nakasaksi sa aparisyon. Nang magbago uli ang anyo ni Bernadette, nag-alis ng sumbrero ang mga kalalakihan at lumuhod. Mistulang may kausap si Bernadette at taimtim na nakikinig bago biglang naging masaya ang kanyang hitsura. Panay din ang kanyang pagyukod. Matapos ang isang oras, naglakad na nakaluhod si Bernadette patungo sa rosebush at hinalikan ang lupa. Nang usisain siya kung ano ang tinuran ng Birhen, sinabi ni Bernadette na may tatlong sikretong ibinahagi sa kanya. Hindi nabunyag ang mga ito kailanman.

Ikawalong Aparisyon – Miyerkules, 24 Pebrero 1858
Sa pagkakatong ito, hinarap ni Bernadette ang mahigit 400 na katao at tatlong beses niyang binanggit ang katagang "penitensiya".
Ikasiyam na Aparisyon – Huwebes, 25 Pebrero 1858
Sinabihan ng Birhen si Bernadette na “uminom at maligo sa bukal.” Naguluhan ang dalaga dahil walang bukal o sibol ng tubig sa Massabieille. Tinabig niya ang maliliit na bato at kinapa ang lupa sa kanyang paligid. Saka lang niya napansin na mamasa-masa ang lupang kanyang tinatapakan. May namuong maliit na lawa. Sa pamamagitan ng kanyang mga kamay, sumalok siya ng tubig sa bukal at uminom bago siya naghilamos ng mukha. Kinabukasan, umapaw ang tubig at pumatak sa bato. Sa sumunod na araw, lumaki na talaga ang sibol. Para sa mga hindi nananampalataya, matagal nang nandoon ang bukal at napansin lang nang makapa ni Bernadette. Gayunman, hindi matutunton ni Bernadette ang sibol kung walang utos na nanggaling sa isang banal.
Ikasampung Aparisyon – Sabado, 27 Pebrero 1858
Inutusan ng Birhen si Bernadette na “halikan ang lupa para sa mga makasalanan.” Kaagad siyang tumalima sa ipinag-uutos at gayundin ang ginawa ng lipon ng mga tao.
Ikalabing-isang Aparisyon – Linggo, 28 Pebrero 1858
Dalawang libong katao ang bumisita sa grotto kinaumagahan. Nag-iwan ng mensahe ang Birhen para sa mga pari: Nais niyang magtayo sila ng kapilya sa grotto.
Ikalabindalawang Aparisyon – Lunes, 1 Marso 1858
Napansin ng Birhen na hindi gamit ni Bernadette ang sarili niyang rosaryo sa pagdarasal. Tama ang Birhen. Pinakiusapan ni Pauline Sans si Bernadette na rosaryo niya ang gamitin ng dalaga noong araw na iyon. Pinagbigyan naman siya ni Bernadette.
Ikalabintatlong Aparisyon – Martes, 2 Marso 1858
Maagang dumating sa grotto si Bernadette. Nagrosaryo siya sa harap ng Birhen. Nanatiling tahimik ang Birhen maliban tuwing dinadasal ni Bernadette ang Luwalhati.
Ikalabing-apat na Aparisyon – Miyerkules, 3 Marso 1858
Inulit ng Birhen ang hiling niya na magtayo ng kapilya sa grotto. Hiniling din niya na magpunta doon ang mga tao na anyong nagpuprusisyon. Takot si Bernadette sa pari sa kanilang lugar na si Abbe Peyramale. Hindi naging madali sa kanya na puntahan dati si Peyramale upang ipabatid ang kahilingan ng Birhen. Higit na tapang ang kailangan ni Bernadette para magbalik sa pari ngunit hindi siya makatanggi. Ipinagtabuyan ang dalaga at inatasan na sabihin daw sa Birhen na hindi sila nakikitungo sa mga mahiwagang estranghero. Kung nais umano ng Birhen na magkaroon ng kapilya, kailangang lumantad ito at patunayang siya nga ang Birheng Maria.
Ikalabinlimang Aparisyon – Huwebes, 4 Marso 1858
Alam na ng halos buong Pransya na ito ang huli sa itinakdang 15 araw na pagdalaw ni Bernadette sa Birhen sa grotto. Dalawampung libong katao ang nagtungo doon kasama ang mga kawal sa garrison na nakauniporme pa. Buong galang na nagbigay-daan kay Bernadette ang mga sundalo nang papalapit na siya sa lugar. Pagkatapos ng aparisyon, sinabi ni Bernadette na patuloy pa rin siyang magtutungo sa grotto dahil hindi pa nagpapaalam ang Birhen. Nadismaya ang mga tao. Nakita nila ang pagbabagong-anyo ni Bernadette at hangad sana nilang mamalas din ang kanyang nakikita at marinig ang kausap. Inaasahan din nilang magkakaroon ng milagro at bubukadkad ang rosebush.
Ikalabing-anim na Aparisyon – Biyernes, 25 Marso 1858
Sa kapistahan ng Pagbabalita ng Anghel kay Maria, ipinahayag ng Birhen ang tunay niyang katauhan kay Bernadette. Sabi niya: "Que soy era Immaculado Conception” – Ako ang Imakulada Concepcion. Hindi batid ni Bernadette ang kahulugan ng tinurang pangalan ngunit hindi na nangailangan pa ng paliwanag ang mga tao at lalo nilang dinumog ang Lourdes. Isang lokal na opisyal, si Baron Massy, ang nag-utos na sumailalim si Bernadette sa pagsusuri ng tatlo pang manggagamot. Ayon sa mga naatasang dalubhasa, maayos ang pag-iisip ni Bernadette.
Ikalabimpitong Aparisyon – Miyerkules, 7 Abril 1858
Nakaugalian na ni Bernadette na magsindi ng kandila sa grotto dahil bilin sa kanya iyon ng Birhen. Hindi niya namalayan na ang isang kamay pala niya ay nakasalab na sa apoy ng kandila habang siya ay nagdadasal. Napasigaw ang mga tao ngunit parang wala siyang narinig. Labinlimang minuto siyang nagdasal at ganoon din katagal na nakababad ang kamay niya sa apoy. Subalit hindi siya nasaktan. Kumuha si Dr. Dozous ng isa pang kandila at walang sabi-sabing idinantay ang apoy sa kamay ni Bernadette. Napasigaw sa sakit si Bernadette matapos itong mapaso. Pagkatapos ng pangitaing ito, iniutos ng Prefect na isara ang grotto at gibain ang altar.
Ikalabing-walong Aparisyon – Biyernes, 16 Hulyo 1858
Sa pagkakasara ng grotto, naginhawahan si Bernadette dahil nabawasan ang atensiyon sa kanya. Ilang buwan makaraan ito, matapos magkumunyon si Bernadette sa kapistahan ng Mahal na Birhen ng Mt. Carmel, nagkaroon siya ng masidhing pagnanasa na bumalik sa grotto kasama ang isang tiyahin. Dahil nakabarikada ang grotto, hindi makalapit sa sagradong lugar ang mag-tiya kaya lumuhod na lang sila sa damuhan malapit doon. Sa huling pagkakataon, nagpakita ang Birhen kay Bernadette.
Sa kalaunan, pumasok sa kumbento si Bernadette sa ilalim ng Order of the Sisters of Charity. Naging masakitin siya sa loob ng maigsing panahon niyang nabuhay sa mundo. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang sa paggawa niya ng kanyang mga tungkulin bilang infirmarian at sakristan. Namatay siyang isang banal noong ika-anim ng Abril 1879 sa murang gulang na 34. Inilibing si Bernadette sa kanilang kumbento sa Nevers. Tatlumpung taon makalipas iyon, hinukay ang labi ni Bernadette noong 22 Setyembre 1909 habang nakamasid ang dalawang manggagamot, ilang mga opisyal at madre sa kumbento. Walang mabahong amoy at hindi naaagnas ang katawan ni Bernadette.
Matapos ang sampung taon pa, binuksan uli ang puntod ni Bernadette noong 3 Abril 1919. Wala pa ring pagbabago sa labi ni Bernadette -- na noon ay idineklarang Venerable -- maliban sa kaunting pamumutla ng mukha niya dahil sa paghuhugas dito noong unang buksan ang kanyang nitso. Isang wax worker ang inatasang pangalagaan ang mukha ng Santa na apatnapung taon nang sumakabilang-buhay. Ang labi ni Bernadette ay itinuturing na ngayong sagrado at nakalagay sa ataul na gawa sa ginto at salamin. Maaari itong dalawin sa Chapel of Saint Bernadette sa kapilya sa Nevers.

Monday, September 13, 2010

25th Sunday in Ordinary Time Reflection

THE CHALLENGE TO BUILD GOD’S KINGDOM

It seems an established fact that the majority of those who concentrate only on earthly values (those we call the “unbelievers”) are cleverer and more enterprising than those who profess to believe in God and in the after-life. The only plausible explanation for such a “contrast” is that many of the so-called “children of the light” (the believers) have failed to appreciate the relationship existing between this world and the world to come. They have failed to understand that the Kingdom of God is in the making already now, and that all Christian believers are the laborers sent by God to work in it and make it grow as fast as possible and as best as can be.

それは地球の価値(それら私達「unbelievers」を)にだけ電話するという神と来世を信じると公言する人ことをより企業的確立された事実であるより利発、集中する人の大半がようである。 そのような「対照」のための唯一のもっともらしい説明はいわゆる「軽いのの子供」の多数が(信者)来るためにこの世界と世界の間にある関係を認め損ったことである。 彼らは神の国が既に今作成にあること、そして、そしてすべてのキリスト教の信者がそれの仕事にGodによって差し向けられる労働者、あることができる限り精一杯それをできるだけ速く育たせることを理解し損った。

It is most unfortunate that many generations of Christians, for centuries, have viewed their lives on earth only as a sort of “waiting room” before entering eternal life. They concentrated almost exclusively on the salvation of “their soul” and the souls of others. The dimension of commitment to the promotion of temporal and human values as part of the earthly stage of God’s Kingdom was mostly neglected. God’s help and providence was all too easily called in to make up for one’s lack of vision, foresight, enterprise, determination . . . . God was expected to straighten up too many crooked lines; to complete too many unfinished projects. . . .

それはクリスチャンの多くの生成が、何世紀にもわたって、一種の「待っている部屋」としてだけ永遠の生命にことを入る前に地球の彼らの生命を見てしまったこと最も不運である。 それらは「精神」および他の精神の救助にほとんど専ら集中した。 神の王国の地球の段階の一部とする一時的な、人間の価値の昇進への責任の次元は大抵無視された。 神の助けおよびprovidenceは視野、見通し、企業、決定の欠乏を補うには呼ばれたすべて余りに容易にだった。 . . . 神は余りにも多くの曲がったラインをまっすぐにすると期待された; 余りにも多くの未完成のプロジェクトを完了するため。 . . .

And yet those Christians professed to believe that God has given men intelligence, creativity, strength,... to take care of His creation! They professed that Jesus Christ has given his disciples the mission to proclaim the Good News of the Kingdom, and to make this Good News a reality. Too much of these wonderful assets were left dormant for too long. There have been exceptions, of course. Numerous saints of active life and missionaries have always been in the forefront in the building up of the Kingdom not only in the hearts of the individuals, but also in their own society.

今までのところではそれらのクリスチャンは神が人に知性、創造性、強さを与えたことを信じると公言した、 彼の作成を大事にするため! それらは王国のよいニュースを宣言するためにイエス・キリスト彼の弟子に代表団を与えたこのよいニュースに現実をするためにと公言し。 これらのすばらしい資産のあまりは余りに長くのために休止状態に残っていた。 例外が、当然ずっとある。 活動的な生命の多数の聖者および宣教師は個人の中心のだけ、また自身の社会の王国の造り上げることに先端常にあったあることが。

Their enterprise, ingenuity, dedication, and perseverance have been monumental, amazing, and often heroic. But saints and missionaries have always been far too few. Thank God, after Vatican II and, in the Philippines, after PCP II, we have rediscovered that every Christian believer is expected to be “leaven,” “salt of the earth,” and “light of the world.”

企業、工夫、献呈および忍耐は記念碑的であり、および頻繁に英雄的驚かせる。 しかし聖者および宣教師は遠いずっと不十分常に。 バチカンIIの後で神に、感謝すれば、フィリピンで、PCP IIの後で、あらゆるキリスト教の信者が「パン種であると期待されること私達は再発見した」 「世界の地球」、をおよび「ライトの塩」。

We are called to be as clever and enterprising in the pursuit of the wonderful goal of building up God’s Kingdom as the “unbelievers” do their best in pursuing their worldly objectives. This is our challenge today. It is also an urgent appeal, for there is so much to do, so much negligence of the past to make up for.

私達は神の王国を造り上げることのすばらしい目的の追求で同様に「unbelievers」が彼らの世俗的な目的の追求の全力を尽すと利発、企業的であるために電話される。 これは今日私達の挑戦である。 それはまた緊急な懇願である、なぜならそんなにのそんなに怠慢補うべき過去のすることがある。



Thursday, September 2, 2010

23 Sunday of Ordinary Time Reflection

(Luke 14:25-33)


All spiritual masters and great leaders are noted for their being quite demanding with their followers. But none of them is as demanding as Jesus. In fact, he requires that his disciples practice a radical detachment not only from material things, but also from their closest family ties and their very selves.

These demands are spelled out in the sternest possible terms in the first part of today’s Gospel passage. “If anyone comes to me without hating his father and mother, wife and children, brothers and sisters, and even his own life, he cannot be my disciple. Whoever does not carry his own cross and come after me cannot be my disciple.”

Even in the rather mild rendering of our preferred translation, the request that we love Jesus more than our father, mother, wife and children, brothers and sisters and one’s very self is undoubtedly the most radical demand a leader can make of his prospective disciples. We might even get the wrong impression that Jesus is a “heartless man” and would want all his followers to be heartless, too . . .

But, for sure, this is not what Jesus is, or what he wants his disciples to be, for there never was nor will there ever be a greater and more tender lover than he. It was he who, up to the last hours of his earthly life, kept insisting on one basic commandment: “Love one another as I have loved you.” What then does Jesus mean with his shocking demands?

He asks us to overcome the instinctive inclination to love in an almost idiolatric manner the persons dearest to us. He wants his disciples to learn to love as he does. He wants them to love their relatives and friends in a “detached and pure manner.” Such “detachment” and “purity” obviously entail a tremendous amount of a self forgetfulness and self-control. Not all are able and willing to make so great a sacrifice.

But for those who do their best to comply with such a challenging demand, a wonderful reward lies in store – they will become able to love their own people in a purified and refined manner. They will love them in Christ and as Christ loves them. That’s the way he loved his mother Mary and his disciples. Not only this. Once they have reached that degree of purification and refinement in loving their relatives, the disciples will have become able to love everybody, without fear or complexes.

They will love not only the lovable and the loving, but also and especially the un-lovable and the un-loving. Their behavior will be characterized by an attitude of appreciation, acceptance, respect, encouragement, attention . . . toward all. Everyone will feel “known” and loved in a very personal manner.

Such a feeling experienced by the persons who see themselves as the object of a delicate, sincere and up-building love will prompt in them a similar response/attitude. It will draw out from them the hero and the saint that had been buried by avalanches of rejection, neglect, hatred or lust-filled love. On seeing such a result, both in themselves and in those they love, the disciples will understand the wisdom of Jesus’ demand and its fruitfulness. They will be extremely grateful to their Master for having challenged them to soar to such heights. And they will rejoice in Him who is the “Lord of all beautiful LOVE.”

すべての霊歌のマスターおよびすばらしいリーダーは彼らの従節とかなりデマンドが高いのために注意される。 しかしそれらのどれもイエス・キリスト程にデマンドが高くない。 実際は、彼は彼の弟子が物質的な事からのだけ根本的な取り外しを練習するように、また要求する親密な家族のタイおよびまさに自己から。

これらの要求は今日の福音の道の最初の部分のsternest可能な言葉で綴られる。 「だれでも私に彼の父母、妻および子供、兄弟および姉妹および彼自身の生命憎まないで来れば、彼は私の弟子である場合もない。 私が」。私の弟子である場合もなかった後誰でも彼自身の十字を運ばないし、来ない

私達がイエス・キリストを私達の父よりもっと、母、妻および子供愛すること私達の優先する翻訳の幾分穏やかなレンダリングに、要求、兄弟および姉妹およびまさに自己は確実にリーダーが彼の将来の弟子の作ることができる最も根本的な要求である。 私達はイエス・キリストによってが「不人情な人」、すべての彼の従節が不人情でほしいこと間違った印象を得るもかもしれない。 . .

しかし、確かに、これはまたは彼の弟子が彼によってがであるかなぜなら決して彼よりすばらしく、柔らかい恋人がでほしいか何イエス・キリストが、なかったりそこにあるものではない。 彼の地球の生命の最後の時間までの、1つの基本的な命令を主張し続けたのは彼だった: 「私が」。愛したように愛互い イエス・キリストは何をそれから彼の衝撃を与える要求と意味するか。

彼は私達にほとんどidiolatric方法で私達に最も貴重な人を愛する本能的な傾斜を克服するように頼む。 彼は彼がように彼の弟子に愛することを学んでほしい。 彼はそれらに親類を愛してほしく、の友人は「取り外し、純粋な方法」。 そのような「取り外し」および「純度」は明らかに大量自己の健忘性および自制を伴なう。 すべてがそう大きい犠牲を作れない、決定する。

しかし非常に挑戦的な要求に従うこと全力を尽す人のためにすばらしい報酬は店にある-浄化され、精製された方法の自身の人々を愛してできるようになる。 彼らはキリストがそれらを愛するようにキリストのそれらを愛し。 それは彼が彼の母メリーおよび彼の弟子を愛した方法である。 これだけ。 それらが親類を愛することの浄化そして洗練のそのある程度に達したら、弟子は恐れか複合体なしで皆を、愛してできるようになってしまう。

彼らは愛らしくのだけおよび愛すること、またそして特にun-lovableおよびun-loving愛しない。 行動は感謝、受諾、点、奨励、注意の態度によって特徴付けられる。 . . すべての方。 皆は「知られ」、非常に個人的な方法で愛されて感じる。

促す敏感のの目的として彼ら自身誠実なおよび建物愛はそれらで同じような応答か態度をことを見る人が経験したそのような感じ。 それはそれらから拒絶、無視、憎悪または渇望満たされた愛のなだれによって埋められた聖者および英雄を送り出す。 彼ら自身とそれらのそのような結果を、見ることで彼らは愛する、弟子はイエス・キリストのの知恵を」要求およびfruitfulness理解する。 それらはそのような高さに上昇するために挑戦するためのマスターに非常に感謝しているそれらに。 そして彼らは「すべての美しい愛の主」。である彼で喜ぶ

Friday, August 27, 2010

TULAY NG BUHAY


Noong simula...

Genesis 1:27 Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa Kanyang larawan...

Efeso 4:24... at ang dapat makita sa inyo’y ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, kalarawan ng Kanyang katuwiran at kabanalan.

Ngunit nagkasala ang tao

Roma 3:23 Sapagkat ang lahat ay nagkasala at walang sinumang karapatdapat sa paningin ng Diyos.

Isaiah 59:2 Ngunit ang sala mo ang nagiging dahilan kaya di marinig ang dalangin mo, at siya ring dahilan ng paglalayo ninyo.

Roma 6:23 Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan...

Hebreo 9:27 Itinakda sa mga tao na minsan lamang mamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom.

Ano ba ang mangyayari sa makasalanan?

Pahayag 21:8 Subalit malagim ang kasasapitan ng mga duwag, mga taksil, mga nagpasasa sa kasuklam-suklam na kahalayan, mgamamamatay-tao, mga mapakiapid, mga mangkukulam, mga sumasamba sa diyus-diyusan, at lahat ng sinungaling. Sila’y ibubulid sa lawa ng naglalagablab na asupre, na siyang pangalawang kamatayan.

Sa listahan ba ay kasama ang kasalanang nagawa mo?

B. Ang solusyon ng Tao

Mabuting Gawa ba?

Efeso 2:8,9 Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos ay naligtas kayo sa pamamagitan ng inyong pananalig kay Kristo. At ang kaligtasang ito’y kaloob ng Diyos, hindi mula sa inyo. Hindi ito dahil sa inyong mga gawa kaya’t walang dapat ipagmalaki ang sinuman.

Relihiyon ba?

Gawa 4:12 Kay Kristo lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat sa silong ng langit, ang Kanyang pangalan lamang ang ibingay ng Diyos sa ikaliligtas ng tao.

Karunungan ba?

Roma 2:13 Sapagkat hindi ang mga nakikinig sa Kautusan, kundi ang tumatalima rito ang pawawalang-sala ng Diyos.

C. Ang solusyon ng Diyos

Juan 3:16 Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumasampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

1 Pedro 3:18 Sapagkat si Kristo’y namatay para sa inyo. Namatay siya dahil sa kasalanan ng lahat- ang walang kasalanan para sa mga makasalanan- upang iharap kayo sa Diyos...

Juan 5:24 Sinasabi ko sa inyo, ang nakikinig sa aking salita at nananalig sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan kundi inilipat na sa buhay mula sa kamatayan.

D. Ang Pagtanggap

Pahayag 3:20 Heto ako at nakatayo sa labas ng pintuan at tumutuktok. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, ako’y papasok sa kanyang tahanan at magkasalo kaming kakain.

Juan 16:24 Hanggang ngayon wala pa kayong hinihingi sa Kanya sa pangalan ko. Humingi kayo at kayo’y tatanggap upang malubos ang inyong kagalakan.

Roma 10:9 Kung ipahahayag ng inyong mga labi na si Hesus ay Panginoon at mananalig ka nang buong puso na siya’y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka.


Source: http://lakasangkan.org/tulay.html

Tuesday, August 3, 2010

NATURES BASILICA




Sa muling pagkakataon ay naipagdiwang muli ng Apostolic Catholic Church ang paggunita sa pagkakatayo ng Natures Basilica sa Sacrifice Valley. Sa orihinal na araw ito ay ipinagdiriwang ng Simbahan sa ika-30 ng Hulyo, subalit sa pagkakataong ito ay ginanap sa ika-31 ng Hulyo, 2010 upang ang mga miyembro ay makarating sa araw ng Sabado.

Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Arsobispo Juanario Arvin T. Soriano, D.D., OMHS ang pagdiriwang ng Banal na Misa sa kapilya ng Our Lady of Lourdes Convent at pagkatapos ay sinundan ng pag-iinsenso sa mga imahe ng Mahal na Birheng Maria sa Natures Basilica.
















Friday, July 30, 2010

Taunang pagdiriwang para sa Mahal na Birhen ng Bundok Karmelo

Isang taunang kapistahan at pagpaparangal sa Mahal na Birhen ng Bundok Karmelo na ginanap nuong ika-18 ng Hulyo, araw ng Linggo ng mga deboto nito mula sa Lalawigan ng Bulakan at Lungsod ng Valenzuela.

Sa orihinal na programa ito ay nagkaroon ng Nobenaryo at pinagdiwang din ng mga taga Valenzuela sa araw mismo ng kapistahan ng Mahal na Ina ng Bundok Karmelo.

(Narito ang ilang larawang kuha sa araw ng Selebrasyon)



















Pls. Fill-up the form below to send me e-mail.... Thank You!!!

Name:*
Email:*
Subject:*
Message:*
Verification No.:*
contact form faq verification image

Email forms generated by 123ContactForm